Nabuntis ang Kabit ng Asawa

Panaginip: Lagi kong napapanaginipan na nabuntis ng asawa ko ang kanyang kabit. Ngayon ay two months nang hiwalay sila.---Vicky

Interpretation: Tumatak sa iyong subconscious mind ang pagtataksil ng iyong asawa at ito ay nagbunga ng insecurities. Ang bad feeling na ito ang nag-trigger upang mapanaginipan mo na buntis ang kabit ng iyong mister. Pansamantalang paniwalaan mo na hiwalay na sila. At habang pinapaniwala mo ang iyong sarili, lagi kang manalangin na sana ay maging tapat na siya sa iyo. Walang hindi natutupad sa mataimtim na panalangin.

Show comments