Sanhi ng Pananakit ni ‘Manoy’

May iba’t ibang dahilan ang pain sa penis na maaaring may kasabay na pangangati, irritation, at iba pa. Maaaring ito ay dahil sa aksidente o sakit.

Ang nararamdamang sakit ay depende sa sanhi nito. Anumang sakit na nararamdaman sa penis ay dapat bigyan ng pansin lalo na kung nararamdaman ito sa tuwing may erection, tuwing umiihi, at may kasabay na discharge, pamamaga at pamumula.

Napag-usapan na rin natin ang iba’t ibang treatment options.

May mga bagay na maaaring gawin para mabawasan ang panganib sa pagkakaroon ng penis pains.

Ugaliing gumamit ng condom sa pakikipag-sex para maging safe lalo na kung hindi sigurado sa inyong partner. Iwasan ding masyadong ma-stress ang penis. Iwasan ang mga movement na maaaring makasama sa penis. Ipinapayong, mag-ingat at pag-ingatin ang partner sa pagse-sex. Karaniwan sa mga Pinoy ang nagpapatuli noong bata pa. Ngunit kung hindi pa natutuli, laging linisin ang foreskin dahil madalas itong naiipunan ng dumi na karaniwang nagiging sanhi ng infection.

Kung may nararamdaman sa inyong penis, ikonsulta agad ito sa doctor.

Kapag na-diagnose agad ang anumang problema, mate-treat ito agad at makakaiwas sa mas malalang problema.

Kung STI ang dahilan ng penis pain, siguradu­hing hindi na ito maipapasa pa sa iba.  (Last Part) (Source:http://www.healthline.com/)

 

Show comments