Pantanggal ng Bara

Isa sa madalas na nagiging problema sa kusina ay ang pagbabara ng lababo dahil sa mga tira-tirang pagkain mula sa pinaghugasang pinggan. Ang mga mumo na ito ang siyang bumabara sa drain.

Pero ang isa sa pinakamabilis at mabisang paraan ng pagtanggal ng bara sa drain ng lababo ay makikita rin lang sa inyong mga kusina.

Buhusan ng kumukulong tubig ang drain. Budburan ito ng 1/2 tasa ng baking soda at iwan ng ilang minuto. Buhusan ito ng tig-1 tasa ng suka at mainit na tubig at makikita n’yo na ang chemical reaction at bubula ito. Takpan ng frain plug kung mayroon kayo at iwan ng 10 minuto. Buhusan ulit ng kumukulong tubig ang drain para matanggal ang mga natirang bara.

Ito po ang inyong Kumpunerong Kuya na nagsasabing, kung gusto maraming paraan!

 

Show comments