^

Para Malibang

Sanhi ng Pananakit ni ‘Manoy’ (8)

MAINGAT KA BA!? - Miss 'S' - Pang-masa

May iba’t ibang dahilan ang pain sa penis na ma­aaring may kasabay na pangangati, irritation, at iba pa. Maaaring ito ay dahil sa aksidente o sakit.

Ang mararamdamang sakit ay depende sa sanhi nito. Anumang sakit ang nararamdaman sa penis ay dapat bigyan ng pansin lalo na kung nararamdaman ito sa tuwing may erection, tuwing umiihi, at may kasabay na discharge, pamamaga, at pamumula.

Ang mga dahilan ng penis pain ay Peyronie’s Disease  o pagbaliko ng penis, Priapism o ang matagal na erection ng penis na hindi bunga ng arousal at Balanitis na isang infection sa foreskin at sa ulo ng penis na, Sexually Transmitted Infections (STIs), injuries at Urinary Tract Infections (UTIs), Phimosis and Paraphimosis  at  Cancer na natalakay na nating lahat.  Narito ang mga treatment na puwedeng pagpilian:

May injection para sa Peyronie’s disease plaques at puwede itong operahan kung malala.

•Dini-drain ang dugo mula sa penis sa pamamagitan ng karayom kung may priapism. Mayroon ding gamot para bumaba ang blood flow patungong penis.

• May antibiotics para sa UTIs t ilang STIs tulad ng chlamydia, gonorrhea, at syphilis. May antibiotics at antifungal  din para sa balanitis.

•Binabanat ang foreskin  para lumuwag kapag may phimosis. May steroid creams na ipinapahid sa penis para sa phimosis. Minsan kailangan ng operasyon.

•Kapag nilagyan ng ice ang penis, nababawasan ang pamamaga sa paraphimosis. Puwede ring lagyan ng pressure ang ulo ng penis. Puwede ring mag-inject ng gamot para ma-drain o kaya ay sinusugatan ng maliit ang foreskin para mabawasan ang pamamaga.

•Maaaring tanggalin sa pamamagitan ng operas­yon ang cancerous na bahagi ng penis. Ang treatment para sa penile cancer ay radiation treatment o chemotherapy. (ITUTULOY)  (Source:http://www.healthline.com/)

MANOY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with