Kilala ang Oarfish sa Japan sa tawag na ryugu no tsukai na ang ibig sabihin ay messenger from the sea god’s palace o sa Tagalog, tagapaghatid ng balita.
Sobrang minsan lang kung lumitaw ang Oarfish sa pampang dahil nakatira ito sa sobrang lalim na parte ng karagatan na hindi abot ng mga tao.
Ayon din kay Kiyoshi Wadatsumi na isang specialist sa ecological seismology, ang mga hayop na karaniwang nakatira sa kalaliman ng dagat (1000 feet ang lalim) tulad ng Oarfish ay mas sensitibo sa galaw ng fault line.
Kamakailan lang ay may natagpuang Oarfish na may habang 10-feet sa baybayin ng Agusan del Norte dalawang araw bago niyanig ng 6.7 magnitude na lindol ang Siargao City na malapit sa Agusan.
Pagkatapos ng isang linggo ay panibagong patay na Oarfish na may habang 12-feet ang nakitang muli sa pampang din ng Agusan del Norte.
Dahil dito, tanong ng nakararami, tunay nga bang nahuhulaan ng mga hayop gaya ng Oarfish ang napipintong lindol?