Kuting na Ni-rescue ng Aso

Nasa bingit na ng ka­matayan ang kuting na si Rosie nang matagpuan siya ng isang pamilya at ni-rescue.

Hindi nila akalain na makaka-survive ng gabing ‘yun si Rosie.

Laking pasasalamat naman nila sa Husky dog nila na si Lilo na nagkataon namang kapapanganak lang noong panahon na iyon.

Tinuring  ni Lilo ang kuting na parang isa sa kanyang mga tuta hanggang sa tuluyan nang naka-recover si Rosie.

Ngayon ay para silang isang pamilya na palaging magkakasama.

Nakakatuwa rin na palagi raw inaakala ni Rosie na isa rin siyang aso.

 

Show comments