Fruit juice mas malala pa sa soft drinks!
Burp Fact
Siguradong malulungkot ang mga mahilig sa fruit juice lalo na ‘yung mga nabibili dahil halos o higit pang mas mataas ang sugar content nito! Oo, ‘yung mga nagpi-feeling healthy na pa-juice-juice na lang kesa mag-soft drink ay siguradong magigimbal.
Ayon kasi sa isang pag-aaral, mataas din ang sugar content ng mga juice na kahit ang nakalagay sa label ay 100% fruit juice. Ang sugar ay sugar at masama ito kung masosobrahan tayo ng pagkonsumo. Bukod kasi sa nakatataba ay dahilan din ito ng maraming sakit sa puso, atay at diabetes.
Mas mainam daw kung ang juice mula sa sariwang prutas ang iinumin. Pero hinay-hinay pa rin dahil may sugar pa rin ito. Ang pinagkaiba lang ay may fiber ang prutas na buo na nakakapagpahina ng sugar absorption ng katawan. Burp!
Para sa mga suhestiyon tungkol sa pagkain at pagluluto, o kung mayroon kayong recipe na gustong ibahagi, maaaring mag-email sa [email protected]
- Latest