House of Death (164)

“Anna, nagsisisi ka ba na hindi ka sumama?”

“Nalulungkot lang, Benilda. Kung tutuusin, sino ba ang ayaw sa langit? Alam ko, naroroon ang perpektong kapa­yapaan.”

“Alam ko rin ‘yan.” Malungkot na sagot ni Benilda.

“Pero pareho tayong hindi sumama. Ako, minsan pa lang tumanggi sa kanila. Ikaw, pitong beses na.

At sabi mo kaya hindi ka na binalikan dahil hanggang doon lang ang tiyaga ng langit sa pagpasundo sa iyo. Ikaw, Benilda ... hindi ka ba nagsisisi?”

Naluha si Benilda. “Nagsisisi. Pero paano ko iiwan ang mga magulang ko. Sila ay nata-trap din dito sa mundo dahil sa sobrang pagmamahal sa aming tahanan.

Huli na rin para magsisisi kami. Hindi na kami babalikan ng pu­ting liwanag.

ITUTULOY

 

Show comments