House Of Death (163)

MALAPIT na malapit na ang white light kay Anna. Sa malapitan, kita na ni Anna ang dalawang anghel.

Napasinghap si Benilda. “Anna ...”

“Bakit, Benilda?”

“Dalawang anghel pa ang sumusundo sa iyo, nakikita mo ba?”

“Oo, Benilda! Ano’ng ibig sabihin nito?”

“Masyado kang espesyal. Gustung-gusto ka tala?ang makuha ng langit.”

“Sa iyo noon, Benilda ... ilang anghel ang sumundo sa iyo?”

“Isa lang. Pitong beses akong tinangkang sunduin pero isang anghel lang.”

“Gustung-gusto ko nang sumama, Benilda.” Naiiyak si Anna sa kaluwalhatiang nararamdaman.

May very faint na mga awiting makalangit siyang naririnig. At napakasarap ng kaligayahang nararamdaman niya habang halos bumabalot na sa kanyang kabuuhan ang puting liwanag na kakaiba sa mga mata.

“Hindi kita pipigilan kapag iyan ang pasya mo. Para nga sa akin, makabubuti kung sumama ka na lang. Kaysa ma-trap ka dito sa mundo tulad namin dahil ang titigas ng ulo namin. Mas pinahahalagahan itong bahay na ipinundar ng pamilya. Sa mas madaling salita, mas pinahalagahan namin ang material things.”

Bumalot na kay Anna ang puting liwanag.   

Napapikit si Anna sa kaluwalhatiang nararamdaman.

Umaangat na siya sa lupa, dinadala na ng malu?alhating liwanag.

At iyon ay nakita nina Mario at mga anak.

Naluha si Mario. “Sinusundo na ng taga-langit ang Inay ninyo. Mga anak, ito na ang nakatakda kaya huwag na tayong tumutol. Kapag ginusto rin ng Inay ninyo, tanggapin na lang natin. Kahit pa ... kahit pa mami-miss natin siya nang husto.”

Napahikbi si Mario.

Ang mga anak ay nag-iyakan, nataranta.

Sumigaw ang bunso. “Inaaaaayyyy! Huwag mo kaming iwan! Hindi po naming kaya mabuhay pag wala kayo!”

At narinig iyon ng isang inang sobrang nagmamahal sa kanyang pamilya. Dumilat si Anna.

Nakita niyang angat na siya sa lupa, nataranta siya, nagalit.

“Ibaba ninyo ako! Ayo?ong sumama sa inyo!”

At itinulak niya ang mga anghel. Kaagad naman siyang binitiwan ng mga ito. Parang ayaw na makagawa pa ng violence ang isang napa?abait na taong tulad ni Anna. Kaya nalaglag sa lupa si Anna, umalis ang puting liwanag na hindi siya kasama.

Itutuloy

Show comments