Nabubulagang Anak

Dear Vanezza,

Isa akong balo. Ang problema ko ay ang anak kong lalaki. Mayroon siyang inuwing babae na may anak, pero hiwalay sa asawa. Hindi ko siya tinanggap dahil parang kinukunsinti ko siya sa maling relasyon. Nagdesis­yon siya na kung hindi ko matatanggap ang nobya niya, bubukod na sila. Ang tingin ko, pera lang ang hangad sa kanya ng babae. Pero  nagmamahalan daw sila. - Adeng

Dear Adeng,

Ginawa mo na ang parte mo bilang ina. Makabubuting kausapin ito ng masinsinan. Kung sa palagay mo pera lang ang habol sa anak mo, magigising din ito sa katotohanan. Kung ayaw niyang sundin ang pangaral mo, hindi ka na niya masisisi sa dakong huli.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

Show comments