Ang technology ay mahalaga, pero kung walang limit ay masama. Kaya dapat magkaroon ng balanseng paggamit ng screen time sa tahanan. Importante sa screen-balance ay maglagay ng rule sina tatay at nanay. Turuan ang mga anak kung paano magkaroon ng self-discipline at screen-balance life.
Makipag-usap sa inyong Internet Service Provider (ISP) na mag-set ng parental control sa computer o gadgets sa bahay. May software program na available para ma-monitor ang screen activity ng mga anak. Sa pamamagitan ng ISP ay puwedeng i-block ang mga mature contain partikular na ang website na naili-link sa pornography.
Maraming teenager ang nagkakaroon ng addiction sa panonood ng pornography na nagsisimula sa privacy sa sarili nilang kuwarto. Ang ibang anak ay inaabot ng hatinggabi o higit pa sa pakikipag-text. Ito rin ang rason ng poor performance ng mga estudyante sa eskuwelahan dahil sa kanilang pagpupuyat at kulang sa tulog.
Ang liwanag na nakukuha sa screen ng cell phone at TV na nagpapagising sa sleep mode ng brain hanggang sa mapuyat at walang sapat na pahinga sa pagtulog.
Kailangan maayos ang screen time sa tahanan sa pagbibigay ng limitasyon kung anong oras dapat i-turn off ang kanilang mobile phones. Kunin din ang smartphone sa minor de edad na anak o ilayo ang mobile sa kanilang kuwarto.