Kursunada ang Gf ni Utol

Dear Vanezza,

May matindi po akong crush sa gf ng kuya ko. Hindi alam ni kuya ko na gusto ko ang siyota niya. Malapit ang loob ko sa kanya dahil mabait siya. Wala naman po akong balak na sulutin kay kuya ang gf niya pero nararamdaman kong nagseselos ako kapag magkasama o may date silang dalawa. Puwede ko po ba itong ipaalam sa girl? - Kevin

Dear Kevin,

Normal lang na magkaroon ng crush sa GF ng utol mo. Ang masama ay ang balak mong ipaalam sa girl. Huwag mo nang kursunadahin ang gf ng kuya mo. Respeto na lang sa iyong kuya. Makakatagpo ka rin ng ibang babae na may katangiang tulad niya o higit pa.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments