Restaurant para sa matitibay ang puso

GRABE NA’ TO

Isang restaurant sa Chandler, Arizona ang nagpa­kain ng libre sa mga kostumer nito noong 2010 sa isang kundisyon. Dapat ay mahigit sa 350 lbs. ang timbang ng kakain para malibre. Ang restaurant ay medyo nakakatakot kainan lalo na ng mga may kabigatan dahil pangalan pa lang na Heart Attack Grill ay siguradong magdadalawang-isip ang sinumang overweight na kumain dito. Nag-hire pa ang mga manager ng restaurant ng 600-pound guy para maging commercial model nila.

Ang Heart Attack Grill ay may kakaibang theme. Nakasuot ng masikip at sexy nurse outfit ang mga waitress ng nasabing kainan. Ang mga kostumer ay tinatawag na pasyente at kailangang magsuot ng hospital gowns. Ang menu ng Heart Attack Grill ay nagtatampok sa matatamis na inumin at pagkaing mataas sa calories tulad na lang ng Double Bypass Burger. Ang kanilang fries ay niluto sa sebo ng baka.

Ang restaurant ay pagmamay-ari ng dating nutritio­nist na si Jon Basso.

Show comments