^

Para Malibang

Ingrown ng Kuko sa Paa

WHAT MATTERS MOST - Pang-masa

1. Punuin ang isang maliit na foot tub ng mainit na tubig at ibabad ang paa ng 20 minuto. Gawin ito 3 beses kada- araw para guminhawa ang pakiramdam.

2. Isawsaw ang paa sa mainit na tubig at patuyuing mabuti. Dahan-dahang iangat ang apektadong kuko gamit ang tyane. Maglagay ng maliit na binilog na bulak sa pagitan ng balat at kuko. Palitan ang bulak kada babasain ang paa para maiwasan ang impeksyon.

3. Maghalo ng isang kutsarang Epsom salt sa isang foot tub at pu­nuin ito ng mainit na tubig. Ibabad ang paa sa solution sa loob ng 20 minuto. Tanggalin ang tubig at patuyuin ang paa. Gawin ito 4 beses sa isang linggo.

4. Maghalo ng magsing daming raw, unfiltered apple cider vinegar at mainit na tubig sa isang maliit na foot tub. Ibabad ang apektadong toenail sa solution ng 30 minuto. Patuyuin ang paa pagkatapos.

5. Maghalo ng kalahating tasa ng hydrogen peroxide sa maliit na batya ng mainit na tubig. Ibabad ang paa sa solution ng 20 minuto. Gawin ito dalawang beses sa isang araw.

6. Gumawa ng paste mula sa kalahating kutsaritang turmeric powder at kaunting mustard oil. Ipahid ang paste sa apektadong daliri ng paa at takpan ng bandage. Ulitin ito 3 beses araw-araw.

7. Magpatak ng 2 tea tree oil sa isang kutsara ng kahit anong carrier oil tulad ng olive oil o coconut oil. Ipahid ito sa ingrown toenail at takpan ng bandage. Gawin ito araw-araw hanggang mawala ang pamamaga.

INGROWN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with