Pamamaos

1. Kumain ng maninipis na hiwa ng fresh na luya sa maghapon.  Maaaring lagyan ng asin at lemon juice ang luya para maging kanais-nais ang lasa.

2. Maghalo ng 2 kutsarang honey at isang kurot ng paminta sa isang baso ng mainit na tubig. Inumin ito ilang beses sa isang araw.

3. Maghalo ng isang kutsaritang raw, unfiltered apple cider vinegar at isang baso ng mainit na tubig. Inumin ito ilang beses araw-araw.

4. Maghalo ng isang kutsaritang asin sa isang baso ng mainit na tubig. Haluing mabuti hanggang matunaw ang asin. Imumog ito 3 beses kada araw.

5. Maghalo ng isang kutsaritang cayenne pepper powder at isang kutsarang honey. Dahan-dahan itong kainin mula sa kutsara.

6. Maghalo ng tig-isang kutsarang honey at lemon juice sa isang tasa ng maligamgam na tubig. Dahan-dahan itong inumin ilang beses sa isang araw.

7. Uminom ng mainit na tubig sa maghapon.

Show comments