Inang Walang Sariling Bait

Dear Vanezza,

Suko na ako sa aking mama. Babalik na lang ako sa Zambales kung saan nandun si papa sa pangalawa niyang asawa. Grabe mas pinaniniwalaan pa ni mama ang tsismis ng kanyang mga kaibigan na nag-iinom daw ako sa bahay ng classmate ko. Oo kasama nga ako pero never akong tumikim o naninigarilyo tulad ng sinasabi niya. Si mama walang sariling bait mas nakikinig sa iba.- Cocoi

Dear Cocoi,

Sa tingin mo solusyon ang pag-iwas sa iyong problema. Kung kailangang iharap mo sa iyong magulang ang mga classmate mo ay gawin mo ito. Higit sa lahat ay panindigan mong tama ka. Pero huwag mong kalimutan na nagkakamali rin ang mga magulang. Kaya kausapin mo siya ng masinsinan para magkaayos kayo.

Sumasainyo,

Vanezza

 

 

 

Show comments