Marshmallows pagkain noon ng mga mayayaman!

Burp Fact

Alam n’yo ba na ang marshmallows na hilig ihanda kasama ng hotdog sa mga birthday party o kaya ihalo sa mainit na tsokolate ay ginawa para sa mga mayayaman?

Early 2000 BC pa nang unang gawin ang itinutu­ring noong delicacy dahil para lamang ito sa mga gods at mayayamang pamilya. Gawa ang pinakaunang marshmallow sa dagta ng mallow tree at hinaluan ng nuts at honey.

Noong 1800s naman nang gawin ng candy makers sa France na paghaluin ang dagta at egg whites at asukal. Nang magtagal ay napalitan ang dagta mula sa marshmallow plant ng gelatin kaya mas napabilis ang paggawa nito. Ang gelatin ay hinaluan ng starch, asukal, corn syrup, at tubig na siyang marshmallows nang ibinebenta ngayon. Burp!

Para sa mga katanungan at suhestiyon tungkol sa pagkain at pagluluto, maaaring mag-email sa burpnikoko@gmail.com.

Show comments