Ayaw Papigil sa Pagsusugal

Panaginip: Maraming perang hawak ang aking mister. Nakita ko siyang pumunta sa sugalan. Natakot akong baka ubusin niya ang pera kaya hinigit ko siya sa damit para umuwi. Pero ayaw niyang paawat at itinuloy pa rin ang pagsusugal.---Cookie

Interpretation: Tatlong bagay ang ipinapaha­yag ng pagsusugal: kalungkutan, kasinungalingan at away. Pahabain ang pasensiya sa tuwina. Kung ang isang tao ay ayaw makinig sa iyong payo, ipagdasal mo na lang siya. Darating din ang panahon na siya mismo ang makakatuklas ng kanyang pagkakamali.

Show comments