Masahihin ang kamay gamit ang pinainit na olive oil sa loob ng 5 hanggang 10 minuto.
Paghaluin ang 2 kutsarang giniling na oatmeal, 1 kutsaritang honey, at kaunting tubig para makagawa ng paste. Ikuskos ito sa kamay at iwan ng 10 minuto bago banlawan ng maligamgam na tubig.
Masahihin ang kamay ng pinainit na extra-virgin coconut oil sa loob ng 5 minuto bago matulog sa gabi. Magsuot ng gloves.
Pahiran ng fresh milk cream ang kamay at iwan ito ng 10 minuto bago banlawan ng maligamgam na tubig.
Kuskusin ng honey ang kamay at iwan ito ng 10 minuto bago banlawan ng maligamgam na tubig. Gawin ito 2 beses kada- araw.
Lagyan ng aloe vera gel ang kamay at masasahihin ng ilang minuto. Iwan ng 15 minuto bago banlawan ng maligamgam na tubig. Gawin ito 2 beses kada-araw.
Maghalo ng magsindaming lemon juice, honey, at baking soda. Ipahid ito sa kamay at masahihin ng 1 minuto. Iwan ito ng 5 minuto bago banlawan ng maligamgam na tubig. Gawin ito 2 beses sa isang linggo.