Paano ididispley ang picture/poster o figurine ng Rooster?
1--Iharap ang Rooster sa tapat ng main door upang mapanatili ang katapatan ng mag-asawa sa bawat isa. Hahadlangan nito ang third party na makapasok sa relasyon ng mag-asawa.
2--Idispley sa Northwest ng office table upang tumaas ang ranggo sa trabaho. Proteksiyon laban sa intriga at kung matindi ang kumpetisyon sa negosyo o sa promotion, ikaw ang magiging lucky winner.
* 1st Warning: Huwag gumamit ng Rooster as lucky charm, ang mga taong ipinanganak sa year of the Rabbit dahil magkakontra ang dalawang animal sign.
* 2nd Warning: Rooster figurine ang dapat gamitin at hindi pangkaraniwang manok. Ang rooster ay may palong.