Walnut pantanggal ng gasgas sa mga Muwebles

Ang walnut ay hindi lamang masarap na kutkutin o pangsahog sa salad at mga cake. May magic din itong maituturing sa ating mga kasangkapan.

Naisulat na namin na ang crayons at essential oils ay nakatatanggal ng gasgas sa mga muwebles. Pero alam n’yo ba na ang walnut ay maaari rin “makabura” ng mga gasgas sa lamesa, upuan, kama at iba pang kagamitang kahoy?

Ikuskos lang ang walnut sa bahagi ng mga kagamitang may gasgas at siguradong mabibilib kayo na bigla na lang maglalaho ang mga ito. Dahil ito sa natural oil na taglay ng walnut. Nanunuot ang natural oil ng walnut at napupunan ang gap ng maliliit na gasgas sa kahoy.

Pagkatapos kuskusan ay iwan lang ang mga muwebles hanggang matuyo ang oil dito.

Ito po ang inyong Kumpunerong Kuya na nagsasabing, kung gusto ay maraming paraan!

Show comments