Ang pagkakaroon ng specific na goals na nakasulat ay makatutulong na magkaroon ng pokus sa iyong bucket list. Kapag na-stuck sa daily routine ng buhay madali lang lumipas ang araw na hindi napagtutuunan ang goal at desire sa buhay.
Samantalang ang mga items sa bucket list ay magkakaroon ng dahilan ang sarili at pamilya na makapagpokus sa dapat gawin o plano.
Gumawa ng effort na matupad ang pangarap na simulan sa maliit na bagay bawat araw, linggu-linggo, at buwanan.
Hindi namamalayan na unti-unting nakukuha at nagkakaroon ng tagumpay sa bawat bucket list ng buhay habang lumilipas ang taon.
Ang isang strategy na tinatawag na monthly focus. Pumili ng isa o dalawang goals o experience mula sa bucket list at paghirapan ito na trabahuhin sa buong buwan para matupad.
Tandaan na pokus lang sa goal na marami man ang mag-akusa na hindi mo kaya, huwag silang pansinin ang mahalaga ay tingnan kung ano ang puwedeng gawin para matupad ang desire ng listahan ng iyong bucket lists.