Paano kung acidic ka?
1. Kumain ng dahon ng basil kapag may senyales ng pagiging acidic. Siguruhing nguyaing mabuti ang dahon.
2. Maghalo ng kalahating kutsaritang cinnamon powder sa isang tasang tubig. Pakuluan at iwan ng ilang minutong nakababad. Inumin ang cinnamon tea tatlong beses sa isang araw.
3. Uminom ng plain buttermilk makailang beses kada araw hanggang guminhawa ang pakiramdam. Maghalo rin ng black pepper or 1 kutsaritang giniling coriander leaves para sa mas magandang resulta.
4. Maghalo ng 2 kutsaritang raw, unfiltered apple cider at 1 tasang tubig. Inumin ang mixture dalawang beses sa isang araw.
5. Magpakulo ng 1 kutsaritang cumin seeds sa 1 tasang tubig. Salain at inumin ang tubig pagkatapos kumain.
6. Habang inaatake ng acidity ngumuya lang ng hiwa ng luya para guminhawa ang pakiramdam.
7. Uminom ng 1 baso ng malamig na gatas para makaiwas sa acidity.
- Latest