Perfect fit na fashionista

Ang fashion at  mga babae ay parang soul mate na match made in heaven.

Pagdating sa fashion at style ay hindi tayo kasing suwerte gaya ng mga celebrities.

Marami rin ang hindi afford na magkaroon ng sariling stylist na available sa bawat oras at kahit saang lugar.

Ang fashion ay pi­nag­mumukha kang presentable at maganda. Kapag hindi bagay ang style ay mukha ka rin kakila-kilabot na hindi makalilimutang nightmare.  

Pero hindi dapat mag-alala ang mga ladies dahil puwedeng maging fashionista sa mga simpleng get up.  Tulad ng pagdating sa damit ay dapat alamin ang sariling fit. Huwag magsuot ng damit na sobrang hipit, o sobrang lose sa katawan.

Ang sobrang sikip ay hindi rin maganda at ang sobrang laking damit ay untidy ring tingnan.

Kaya huwag maliitin ang kahalagahan ng perfect fit.

Show comments