Nakakahiyang blackheads
1. Maghalo ng 2 kutsaritang baking soda at mineral water para makagawa ng paste. Ipahid ang paste sa ilong at masasahihin. Patuyuin ito bago banlawan ng maligamgam na tubig. Gawin ito 2 beses sa isang linggo.
2. Pahiran ang ilong ng pinaghalong tig-isang kusaritang cinnamon powder at lemon juice. Iwan ito ng 10 minuto bago banlawan.
3. Gawing facial scrub ang pinaghalong 1 kutsaritang honey at juice ng 4 na kamatis at oatmeal. Iwan ito ng 10 minuto bago banlawan.
4. Gumawa ng facial cleanser sa paghalo ng fresh lemon juice at gatas. Ipahid ito sa mukha dalawang beses kada linggo.
5. Maghalo ng 1 kutsaritang dry green tea leaves at tubig para makagawa ng paste. Ikuskos ang paste sa ilong sa loob ng 3 minuto. Banlawan ng mali-gamgam na tubig.
6. Magpahid ng pure honey sa mukha at iwan ng 10 minuto. Banlawan ng maligamgam na tubig.
7. Maghalo ng turmeric powder at dalawang kutsarang mint juice. Ipahid ito sa ilong at hayaang matuyo ng ilang minuto bago banlawan ng maligamgam na tubig.
- Latest