Isang minuto para maluto ang pasta
Burp Tips
Hindi na bago ang mag-panic tuwing may mga handaan lalo na kung tayo lang ang nagluluto. Nagiging problema ang pagluluto kung iisa o dalawa lamang ang inyong lutuan.
Isa sa paboritong ihanda sa handaan ang pansit o kaya spaghetti. Eh ang pasta pa naman matagal lutuin dahil kailangan pang magpakulo ng tubig bago lutuin ng 8-10 minuto depende sa package directions.
Pero may tip ang inyong lingkod sa mabilis na pagluluto ng pasta. Ibabad muna ang pasta sa malamig o room temperature na tubig sa loob ng 1 1/2 oras habang may mga nakasalang pa sa inyong lutuan. Pagkatapos nitong mababad ay 1 minuto na lang ang pagluluto nito. Ganun na kabilis! Ang maganda pa rito, hindi nagdidikit-dikit ang pasta ‘pag ibinabad dahil hindi pa na-activate ang starch sa malamig na tubig. Enjoy sa “instant pasta”. Burp!
Para sa mga katanungan at suhestiyon tungkol sa pagkain at pagluluto, maaaring mag-email sa [email protected]
- Latest