Grabe na ‘to! Isang lolo mula sa Ilford sa Essex, England ang kayang kainin ang kahit na ano na hindi tumataba. Ito’y dahil may lipodystrophy condition si John Perry, kung saan mabilis na natutunaw ang kanyang taba sa katawan.
Kahit ilang pies, burger, at dessert ang kainin niya maging mga Chinese food, chips, chocolate, at iba ay hindi na siya bumigat sa kanyang timbang.
Sabi niya sa isang interbyu, mataba siya noong kanyang kabataan pero pagdating ng edad na 12 ay biglang nawala ang kanyang taba sa halos isang magdamag lang.
Akala ng mga doktor ay hindi siya kumakakin o kaya’y may stomach ulcer. Sinubukan umamo niyang kumain ng marami para madagdagan uli ang kanyang timbang ngunit bigo ito.
Ilang dekada rin ang ginugol ni Mr. Perry sa pagpapa-test bago nalaman ang kanyang sakit. Lumalabas na ang kanyang katawan ay nagpu-produce ng anim na beses na mas maraming insulin kaysa sa normal.