Ang paglalabas ng dila ng Tibetans ay isang simbulo ng respeto sa kapwa na nagsimula bilang isang pagbati. Kilala kasi ang 9th century Tibetan king na si Lang Darma na may maitim na dila bilang isang walang awang pinuno. At bilang Buddhist ang Tibetans ay naniniwala sila sa reincarnation. Kaya kapag bumabati sila ay inilalabas nila ang kanilang mga dila para mapatunayang hindi sila reincarnation ng malupit na hari.
Sa kasalukuyan, hindi na masyadong naglalabas ng dila ang Tibetans bilang pagbati. Ang paglalabas din ng dila ay paraan ng pagsang-ayon nila at sa mga nakalipas na panahon ay nag-evolve sa pagiging isang simbulo na lamang ng respeto.
Kaya kung sakaling mapunta kayo sa Tibet at biglang may maglabas ng dila sa inyo, ‘wag masasaktan o mao-offend dahil ibig sabihin ay nirerespeto ka nila. Kabaliktaran ito ng paglalabas ng dila sa ibang bansa tulad sa Pilipinas na kabastusan, pero sa Tibet ito ay paggalang.