Lunas sa bulutong

1. Maghalo ng kalahating kutsarang baking soda sa isang basong tubig. Gumamit ng malambot na tela para ipahid ang solution sa katawan at hayaan itong matuyo.

2. Magpakulo ng 1 tasang chopped carrots at 1 1/2 tasang wansoy sa 2 1/4 tasang tubig hanggang mangalahati ang tubig. Inumin ang sabaw 1 beses sa isang araw sa loob ng 1 buwan.

3. Maggiling ng 2 tasang oatmeal hanggang maging pino. Ihalo ang oatmeal powder sa 2 litrong maligamgam na tubig. Magbabad sa bathwater sa loobg ng 20 minuto.

4. Maghalo lang ng kalahating tasa ng brown vinegar sa maligamgam na bathwater. Maglublob ng 15 minuto.

5. Pahiran ng honey ang bulutong. Gawin ito 3 beses kada araw.

6. Magpatak ng la­ven­der at chamomile essential oils sa maligamgam na tubig at magbabad ng 10 minuto.

7. Uminom ng fresh fruit at vegetable juice.

Show comments