Dalaga idinemanda ang sariling magulang

Grabe na ‘to! Isang 18-taong gulang na babae ang idinemanda ang kanyang mga magulang dahil sa ibinigay sa kanyang pangalan. Matapos ngang umalis ni Clamidya sa kanilang tahanan at magsimulang uli na mag-isa, ay idinemanda niya ang kanyang mga magulang at inakusahan silang sinira ang kanyang buhay.

Halos katulad kasi ang pangalan niyang Clamidya sa sexually transmitted disease na Chlamydia trachomatis o mas kilala lang sa tawag na Chlamydia. Ang pangalan niya ang naging dahilan ng pag-bully sa kanya sa high school. Ito rin ang na­ging dahilan kung bakit siya lumobo dahil sa depression at nawalan ng kumpiyansa sa sarili.

Nagsampa siya ng kaso dahil sa important psychological issues na kanyang pinagdaanan. Naka-survive siya sa 12 na pagtatangkang pagpapakamatay.

“I don’t expect to work another day in my life after the Hell they made me go through. I want them to pay for my name change and my new life. I don’t want to be called Clamidya ever again!” pahayag ng dalaga sa korte. “No wonder I am still a virgin at 18 with such a name,” dagdag pa nito.

 

Show comments