‘Lumilipad’ na isda
Alam n’yo bang may tinatawag na “Rain of Fish” sa bansang Honduras at isa na itong matandang Honduran Folklore? Ito’y nangyayari sa Departamento de Yoro sa pagitan ng mga buwan ng Mayo at Hulyo.
Ayon sa mga nakasasaksi ng kakaibang kaganapang ito, nagsisimula ang phenomena sa maiitim na ulap sa kalangitan at susundan ng kidlat, kulog, malakas na hangin, at ulan na umaabot umano ng dalawa hanggang tatlong oras. Pagkatapos ng ulan ay daan-daang buhay na isda na ang makikita sa mga kalsada at kung saan-saan pa. Kinukuha ng mga tao ang buhay na isda at iniuuwi sa kanilang mga tahanan para pagsaluhan.
Itinuring na ng mga taga-Honduras na isa itong biyaya mula sa kalangitan. At simula nga noong 1998 ay nagkaroon na sila ng piyestang “Festival de la Lluvia de Peces” (Rain of Fish Festival). Ito’y ipinagdiriwang nila taun-taon sa siyudad ng Yoro, Departamento de Yoro kung saan pinagsasalu-saluhan nila ang mga isdang hulog ng langit.
- Latest