Aswang Territory (215)
HINDI maatim ni Avia na mapapatay ni Simeon si Father Albert. Hindi niya mapisil ang trigger ng baril na may benditadong tubig.
Nakikiusap naman ang butihing pari. “Avia, hayaan mo na ako. Ang importante ay wala nang dadanak na dugo dito. Simeon, hindi ka babarilin ni Avia kung pauurungin mo na ang mga sakop mo. Pero ako, okay lang patayin mo na ako.”
“Huwag na huwag mong sasaktan si Father Albert, Simeon!”
Tiwala si Simeon na hindi siya babarilin ni Avia. At dahil natapon na ang benditadong tubig sa balde, alam na rin niya na wala nang magagawang masama sa kanya ang pari.
Hindi nga pinatay ni Simeon ang pari pero nakalayo sila.
At patuloy pa rin ang labanan ng mga mabubuting lahi at masasamang lahing aswang.
Nakasunod si Avia, lumilipad sa tapat nina Simeon at Father Albert. Handang barilin si Simeon kapag sinaktan ang pari.
Nang biglang may helicopter na tumapat sa kanila at may mga putok ng baril na narinig.
Hindi namili ang mga sundalo sa helicopter ng babarilin. Pati si Avia ay binaril.
Si Simeon ay hindi tinamaan, nakatakbo.
Si Father Albert ay buhay, hindi nagawang kantiin ni Simeon dahil nataranta rin ito sa pagbaril sa kanila.
Hindi man siya mamamatay ng bala ng baril, bumabaon pa rin ito sa kanyang katawan at nasasaktan siya, nagpapahina sa kanya.
Si Avia ay nabitiwan sa lupa ang baril na may benditadong tubig.
At kasunod na bumagsak ang kanyang katawan.
MGA SANDALING ito na nagising si Armani.
May nightmare.
Patay na raw si Avia.
Ang lakas ng sigaw niya.
“AVIAAAAA!”
Tarantang dumalo ang dalawang nurses sa kanya.
“Sir, relax lang po kayo. Masama sa inyo ang nagkakaganyan.”
“Aalis ako!” Determinado si Armani, nararamdaman ang panganib kay Avia.
“Hindi po puwede, siyempre. Eh, kagigising nga lang ho ninyo mula sa coma, e.”
Pero nang ginusto ni Armani na mag-transform siya at naging aswang, sigawan at takbuhan ang dalawang nurses. Malaya na siyang makakaalis. Itutuloy
- Latest