Lingid sa kaalaman ng karamihan, maraming paraan para mawala ang dark spots sa mukha na matagal nang pinoproblema ng karamihan.
Ang dark spot ay nakukuha dahil sa pagkakaroon ng tagihawat, acne, at iba pang skin problems. Masyado rin madami ang melanin sa bahaging iyon ng katawan kaya lalo itong nangingitim.
Ang ilan pang factors sa pagkakaroon nito ay ang stress, masyadong pagbababad sa araw, hormonal imbalance, wala masyadong tulog, o vitamin deficiency.
Heto ang ilang home remedy para mawala/mabawasan ang inyong dark spots:
1. Lemon Juice – Hitik sa Vitamin c ang lemon na makatutulong sa pagpapaputi ng dark spots sa iyong mukha. Ilagay ito ng direkta sa mukha gamit ang bulak. Hayaan itong matuyo at saka banlawan ng malamig na tubig.
2. Oats – Ang paglalagay ng oatmeal mask sa mukha ay makatutulong para maalis ang dead skin at dark spot sa mukha. Ihalo ang dinurog na oatmeal sa lemon juice o calamansi hanggang makabuo ng paste. Ilagay sa mukha at hugasan sa maligamgam na tubig ‘pag natuyo na.
3. Patatas – Epektibong pampaalis ng dark spot ang patatas. Pwede itong hiwain at ilagay ng direkta sa mukha. Pwede rin itong gamiting mask; kailangan lang ihalo ang durog na patatas sa honey at saka ibabad sa mukha ng 20 minuto, at banlawan.
4. Aloe Vera – may healing properties ang aloe vera. Mabisa itong pampaputi lalo na sa mga area na umitim dahil sa araw. Ikuskos lang ang laman ng aloe vera ng 30mins sa apektadong bahagi ng katawan/mukha at banlawan ng malamig na tubig.