Magic na Pantanggal ng Crack sa Bintana
Hindi maiiwasan ang pagka-crack o basag sa mga salamin sa bintana lalo na kung may mga anak at batang makukulit sa inyong tahanan. Kung may kaliitan lang naman ang crack sa salamin, may paraan pa para makaiwas sa mas magastos na pagpapalit nito ng bago.
Kung wala pa kayong glass repair kit, maaaring makabili nito sa mga auto parts store o kaya automotive section ng mga hardware.
Bago simulan, siguruhin munang malinis nang mabuti ang bintana. Magsuot din ng gloves at gumamit ng makapal na basahan para hindi masugatan. Sundang maigi ang instructions na nasa repair kit, kadalasang nakasaad ang paglalagay ng tamang dami ng vinyl o resin sa cracked glass. Nasa instructions din kung paano ang paglagay ng bridge rito.
Ang bridge na kasama sa repair kit ay parang suction cups na may turnilyo sa gitna. May metal bars din ito sa itaas na bahagi.
Gumamit lang ng blade para tanggalin ang sumobrang vinyl o resin sa parteng nilagyan. Patuyuin ang resin depende sa oras na nakalagay sa repair kit. Iba-iba kasi ang oras nito depende sa biniling kit. Malalaman kung tuyo na ‘pag parang magic na nawala na ang crack sa salamin.
Ito po ang inyong Kumpunerong Kuya na nagsasabing, kung gusto ay maraming paraan!
- Latest