Anong Gagawin mo ‘pag Inabutan ka ng Tawag ng Kalikasan sa Highway?
* Mahirap na, kaya bago ako umalis ng bahay, nagsi-CR na ko noh! Hindi ko kayang mag-CR sa ibang lugar lalo na sa unisex na CR. Mas lalo akong magkakasakit. Hindi ko keri ang gumamit ng unisex na CR. Tinitiis ko na lang. Puwera lang kung talagang hindi ko na kaya at emergency na talaga. Pikit mata na ang ko hayss! -Janice, Manila
* Marami namang gasoline station o restaurant sa stop over ng mga bus. Nagkasakit na ako ng UTI, dahil lang kapipigil na humihi. Lesson learned, mas mahirap magkasakit at magastos. – Cacai, Malabon
* Naka-mind set na ang isip ko na mag-CR bago umalis mahirap na. Ganyan din ang tinuturo ko sa mga anak kong boys. Hindi ko komo lalaki sila ay puwede na silang mag-jingle kung saan lang. Kung nagagawa ng mga babae na madisiplina na mag-CR bago umalis o maghanap ng CR. Dapat ang mga lalaki rin. Para hindi mapanghi ang paligid natin. Kadiri! – Sonia, Sta. Cruz, Laguna
* Naku ang mister ko sakitin ang tiyan. Grabe lagi kaming nakiki-CR kung saan kapag walang restaurant o gasoline station. Minsan tinalon namin yung bakal sa may Edsa para lang tumawid sa kanilang kalsada. Kakahiya ‘di ba, nakapalda pa naman ako. Kaya lagi ko siyang sinisita na huwag kakain ng marami kapag aalis kami. Nasisira ang beauty ko! Sabi ko hindi ko na yun gagawin. Asar! – Jane, Mandaluyong
- Latest