Itim na Buhangin ng Punaluu Beach sa Hawaii Saan Galing?
Mapang-akit ang mga dagat na may mapuputing buhangin, madalas, ito ang destinasyon ng maraming dayuhan dito sa ating bansa.
Matatagpuan ito sa alinmang panig ng Pilipinas mapa-Ilocos Norte, Boracay, Palawan, Cebu, at sa maraming bahagi pa ng Luzon, Visayas, at Mindanao.
Pero alam n’yo bang mayroon ding mga dagat na ubod ng itim ang buhangin na puntahan din ng maraming traveller/manlalakbay?
Isa na rito ang Punaluu Beach sa Hawaii.
Ang dagat na iyon ay pinapalibutan ng napakaitim na buhangin gawa ng lava mula sa mga bulkan na dumaloy sa dagat at nalamigan.
Mabato raw ang dagat na ito pero kiber (walang paki) ang maraming turista dahil maraming Hawksbill turtles at Green sea turtles ang pwede mong makahalubilo rito.
Napakaganda raw talaga ng dagat na ito dahil kakaiba at binagayan nito ang asul at malinaw na tubig pati na ang berdeng mga halaman sa paligid-ligid.
Walang resort sa dagat na ito kaya nagdadala na lamang ng tent ang mga bumibisita rito o ‘di naman kaya ay umuuwi agad. Mura na raw kasi ang naghangad na magtayo ng resort dito pero lagi itong hindi nagtatagumpay marahil dahil sa kakaibang lupa/buhangin meron ang lugar na ito.
- Latest