Kapag May Mabigat na Bitbit

1—Dilaan mo or lawayan ang iyong  wrist. Maghintay ng 10 seconds. Amuyin. Iyan ang mismong amoy ng iyong hi­ninga sa kasalukuyan.

2—Para hindi masaktan ang iyong kamay sa pagbitbit ng mabigat na plastic bag: Isuot sa handle ng plastic bag ang ballpen, battery o anumang matigas na bagay. Sa ballpen ka humawak upang hindi “mabigti” ang iyong daliri sa “weight” ng plastic bag. Tingnan ang larawan.

3—Kapag tag-ulan, ilagay sa ziplock bag ang cell phone o anumang gadget na delikadong mabasa bago itago sa handbag.

4—Dikitan ng aluminum foil ang isang side ng bath soap. Dito mo ihawak ang kamay para hindi dumulas ang sabon habang ikinukuskos  sa katawan.

5—Para masaid mabuti ang laman ng paubos nang Nutella, lagyan mo ito ng ice cream or dito ka mag­timpla ng hot chocolate milk.

Show comments