Starbucks Diet sa Loob ng Isang Taon!
Grabe na ‘to! Kaya mo bang kumain sa loob ng isang taon ng paborito mong pagkain o putahe lamang? As in ‘yun lang ang kakainin mo sa labindalawang buwan, ha? Siguro sa isip-isip ng iba ay isa itong kahibangan. Pero ibahin natin ang isang Seatle (Washington)-based mother of two at isang PhD, kaya masasabi nating nasa katinuan naman siya.
Noong 2013, sinubukan ni Beautiful Existence (oo, ito ang totoo niyang pangalan), na kumain lang ng mga produktong nabibili sa Starbucks. Pero bumibili rin siya ng produkto mula sa “Starbucks-inspired” brands (Roy Street Coffee, Tazo Tea, at Evolution Fresh), dahil ang mga ito raw ay “The company pays good benefits for part-time works. That’s where my money is going.”
Maaaring dahil gusto rin niyang makatulong sa part-time workers kaya niya ito ginawa. Pero aniya, “WHY? am I doing this challenge? Or WHY? will I do any challenge in the future? Because I LOVE being human and I LOVE the privilege of being able to ask the question WHY? in the first place!”
Dahil sa eksperimentong ito, lumulustay siya ng halos $500-$600 kada-buwan para lang sa kanyang “all-Starbucks diet”. Grabe, kung sa ‘Pinas ito, gumagastos siya ng P23,000-P28,000 para lang sa pagkain sa isang buwan! Pero may kamahalan naman kasi talaga ang mga pagkaing ibinebenta sa Starbucks.
Dumating din sa point na nauumay na siya at nahirapan sa pagkain ng “limited selection” lamang. Noong mga huling araw ng kanyang “kakaibang diet” aniya, “My taste buds have been freaking out for the last 24 hours.” Siguro nga ay dahil kating-kati na siyang tumikim at kumain ng ibang putahe. Biruin mo nga naman, paulit-ulit na lang ang kinakain niya sa isang buong taon!
Sa kanyang konklusyon, “During the year there’s not been anything I have really hated, with a limited menu you learn not to be a picky eater pretty quick.”
May matututunan din tayong leksyon sa ginawang ito ni Beautiful, matutong makuntento kung ano ang nakahain sa ating hapag. Kung nagtitipid o may sakit at maraming ipinagbabawal, matututunan din nating kainin ang “limited selection” para maka-survive.
- Latest