^

Para Malibang

Panlunas sa Napasong Dila

ABH - Pang-masa

Alinman sa mga sumusunod ang maaaring gawin kaagad :

1—Sumipsip ng yelo para matanggal ang init sa dila. Kung nagkataong may stock na ice candy at popsicle sa refrigerator, iyon ang sipsipin mo para mas enjoy.

2—Sumubo ng isang kutsarang  yogurt at ha­yaang nakababad ito sa dila ng ilang segundo bago lunukin.  Ang yogurt ay may natural na cooling effect.

3—Lagyan ng asukal ang area ng dila na napaso. Ibabad muna ang dila sa asukal ng ilang minuto at saka lunukin.

4—Aplayan ng honey ang area ng dila na napaso. Ang mga batang ang edad ay 12 months o pababa ay hindi dapat bigyan ng honey dahil nakakamatay.

5—Magmumog gamit ang mouthwash.

6—Ngumuya ng chewing gum na may menthol.

Pangkaraniwang tu­matagal ng 2 araw hanggang isang linggo bago tuluyang gumaling ang napasong dila. Sa panahong nagpapaga­ling, iwasan muna ang pagkaing maanghang at may nakadikit na asin  kagaya ng pritong mani. Iwasan din ang pagkain ng hard candy dahil nakikiskis mabuti ang dila sa pagsipsip nito.

Sources: youtube, wikihow.com, answers.yahoo.com, dailymail.co.uk (Image: wikihow.com)

ACIRC

ALINMAN

ANG

APLAYAN

DILA

IBABAD

IWASAN

LAGYAN

MAGMUMOG

NGUMUYA

STRONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with