Marami o konti man ang isinulat na resolution ngayong taon, magiging balewala ang lahat kung hindi ito gagawin ng consistent.
Sakit kasi ng mga Pinoy ay pagiging ningas kogon. Magaling lang sa simula, pero hindi tinatapos ang trabaho kapag na-distract na ang atensyon. Madaling mabuyo o matukso na gawin ang ibang trip o trabaho hanggang sa maging patung-patong na ang task at maging jack of all trades pero master of none.
Importante na address muna ang priority na gagawin araw-araw at maging determinado kahit maraming sagabal at mahirap gawin. Ang mahalaga ay magkaroon ng pokus at matutunan ang habit ng pagiging consistent.