Para Mabilis Magka-Baby

Mga suggestions ng adventurous writer.com/blogbaby para sa mga kababaihan:

1-Uminom ng vitamins na may folate isang buwan bago ang sche­dule ng pagbubuntis. Kung buntis na, magandang inumin ay vitamin C para maging malakas ang sanggol hanggang sa araw ng pagsilang.

2-Gumamit ng ovulation calendar upang matiyak kung kailan ang fertile period at mainam na panahon ng pagtatalik.

3-Para tumaas ang fertility, kainin lagi ay organic foods. Iwasan ang artificial sweet­eners, caffeine, processed meat, at alak.

4-Kumonsulta sa doktor para sa diabetes screening. Ang babaeng may diabetes ay malaki ang  tsansang magkaroon ng depekto ang magiging anak.

5-Iwasan ang high impact exercise. Ito ang mabibigat na exercise na nakakalog na mabuti ang katawan.

6-Manalangin at umasa na mabuntis ka na sana. Ito ang pinakamainam gawin upang magkatotoo ang pinakamimithi ng ating puso.

 

Show comments