Paano piliin maging masaya?
Gusto ng lahat na magkaroon ng masayang buhay. Ang pagkakaroon ng positibong pananaw ay mas maganda kaysa sa negatibong pag-iisip. Kahit mas mabilis na ma-attract sa negatibong kadahilanan dahil iba pa rin kapag masanay na maging habit na ang positibong pananaw.
Sa totoo lang ang bawat tao ay siyang may kontrol sa kanyang happiness o piliin niya ang magpaapekto sa isang sitwasyon para maging malungkot. Magsisimula ito kung titigilan ang pangsisisi sa lahat ng elementong nakapaligid sa iyo, lalo na sa ibang tao. Dahil ikaw mismo ang responsible sa anumang kapalpakan o masakit na sitwasyon. Kung pumalpak o nabigo ay puwede pa rin itong maging maganda bilang baon sa susunod na journey.
Turuan ang sarili na makita ang happiness, ang kasiyahan sa buhay ay laging puwedeng piliin, kaysa sa pangit o malungkot na pangyayari.
- Latest