Nag-Shopping ng Kabaong

Panaginip: Inutusan ako ng aking ama na bumili ng kabaong. Sa mall ako nagpunta. Marami palang magagandang design ng kabaong. Magaganda rin ang kulay nito. Natapos ang panaginip na wala akong nabili kahit isa. - LJ

Interpretation: Kamatayan o katapusan ang sinisimbolo ng kabaong. May isang yugto sa iyong buhay dedesisyunan mo nang tapusin dahil iyon ang ipinapayo ng iyong ama at buong pamilya. Maaaring ito ay bad habits, toxic relationship or anything na nagdudulot ng problema, hindi lang sa iyo, ngunit sa buong pamilya. Kaligayahan ang magiging resulta ng iyong desisyon. Ito ang ibig sabihin na nagandahan ka sa disenyo at kulay ng mga kabaong na nakita mo sa mall.

Show comments