Problema ng marami ang pagkakaroon ng pimples o acne sa mukha.
Wala kasi itong pinipili at bigla na lang sumusulpot na siyang problema lalo na kung tayo ay may importanteng lakad o happenings.
Akalain niyong ang solusyon sa inyong problema ay matatagpuan lang pala sa kusina?
Una na rito ang bawang. Likas itong nakagagaling ng tagihawat dahil sa taglay nitong “antibacterial properties”. Dapat lang maging maingat sa pag-apply nito dahil masyado itong matapang, mas maganda kung pipigain ito hanggang sa makuha ang katas, pwede rin naman itong hiwain ng pinung-pino, ibabad sa tubig at ang pinagbabaran ang inyong gagamitin.
Gamit ang bulak, ipahid lamang ang katas ng bawang sa affected area, pagkalipad ng 5 minuto ay pwede na itong banlawan.
Pumangalawa namang makatutulong sa paglaban sa pimple ay papaya.
Kilalang kilala na ang prutas na ito sa larangan ng pagpapaganda at pampaputi. Pwede rin itong gamitin panlaban sa tagihawat, meron kasi itong enzyme na tinatawag na papain na nakatutulong pagalingin ang pamamaga.
At panghuli ay ang saging. Wala pa lang sayang sa prutas na ito dahil ultimo balat nito ay mapapakinabangan. Ipunas lamang ang loob na bahagi ng balat ng saging sa buong mukha.
Inaalis nito ang kapuna-punang pamumula at pamamaga ng tagihawat. Ibabad lamang ito sa mukha ng 30 minuto at banlawan.