May gf na ang crush

Dear Vanezza,

I’m 17 years old at ang problema ko po ay tungkol sa pag-ibig. Hindi ako gusto ng lalaking gustung-gusto ko. Sa school namin may crush akong varsity player na crush ng bayan. Matangkad, guwapo at sikat. Talagang hindi ko alam kung paano ang gagawin ko para mapansin niya. Hanggang sa in-introduce ako sa kanya ng isa kong kaibigan na pinsan pala niya. I was so happy nang magkakilala kami sa canteen. Siya pa ang nanlibre sa meryenda. Pero nalaman ko na may gf na pala siya. Masama ang loob ko nang umuwi ako. Ano kaya ang dapat kong gawin? Nagpi-pray ako na sana magka-break sila ng gf niya. Pero until now ay sweet pa rin sila. Hindi tuloy ako maka-concentrate sa summer study ko. Please help me kung anong gagawin ko. - Leya

Dear Leya,

Huwag mong bayaang makaapekto sa pag-aaral mo ang sitwasyon. You must understand na hindi lahat ng bagay na gusto ng tao ay makukuha niya. Try to be sensible and focus on your studies at darating sa tamang panahon ang lalaking mamahalin mo at magmamahal sa iyo. Tulad ng sinabi mo, crush mo lang siya at normal yan sa edad mo. Darating ang araw na kapag naalala mo ang mga nangyaring ‘yan sa iyo ay mapapangiti ka na lang.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments