Sa pagwagi ni Pia Wurtzbach bilang Miss Universe mas lalong lumakas ang pressure sa mga kababaihan hindi lang ng publiko, kundi ng buong mundo pagdating sa kagandahan at maging kung paano kumilos, mag-isip, at mag-behave ang mga Pinay.
Paano ba masasabing confidently beautiful with a heart? Narito ang ilang tips para magkaroon ng kakaibang beauty:
Healthy – Ang bawat tao ay may magkakaibang body type at pangangailangan. Ang kinakain at kung paano alagaan ang katawan ay may epekto sa mood, pag-iisip, at kalusugan ng tao. Enjoy ang buhay, pero siguraduhin na ang kinakain ay mga masustansiya sa pangangailangan ng katawan. Tulad ng paglantak ng dessert na dapat ay in moderation lang. Ang pag-exercise ay nakakataas ng mood at makatutulong maging maayos at maganda ang pakiramdam.
Unique - Huwag ikumpara ang sarili sa iba kundi irespeto ang katawan at pagkatao. Magkakaiba ang hugis, kakayahan, pisikal na anyo, bigat, taas, buhok, kulay, kahinaan, o kalakasan ng isang tao na hindi puwedeng ihalintulad sa iba. Bawat isa ay unique na dapat ay yakapin at pahalagahan ang sariling abilidad. Mahalin at matutunang tanggapin ang sariling katangian at unique na beauty na mayroon ka. Maging mabait sa sarili at huwag pipintasan ang kahinaan at itsura mo.
Hindi puwedeng sukatin ang ganda at achievement ng isang tao, dahil bawat isa ay kanya-kanyang strength at weaknesses na hindi puwedeng ikumpara sa iba. Dahil ikaw ay may ikaw na may unique na ganda na bumubuo at kumukumpleto sa mundong ito.