Kisap-Mata
Bukod sa kilay, ang pilik-mata ang isa sa mga unang napapansin na parte ng ating mukha.
Ang iba ay biniyayaan ng mahahaba at makakapal na eye lashes, samantalang meron ding namang hindi pinalad dahil sa manipis at maiksi nilang buhok sa mata.
Pero ang lahat sa ngayon ay maaari nang magkaroon ng pilik-matang singhaba at singkapal kagaya ng mga South-East Asians.
Kung gusto mo magkaroon ng pilik-mata na walang ka-effort effort, pwede ka nang magpakabit ng eye last extensions. Abot kaya ang halaga nito na mapapakinabangan mo sa loob ng isa hanggang tatlong buwan.
Kung ayaw mo naman magpa-extend ng pilik-mata at gusto mo ay sa mga piling araw lang magkaroon nito, pwede mo gawin ang ‘baby powder trick’.
Ganito lamang iyan. Sa unang lagay ng mascara, maglagay ng baby powder sa ibabaw ng buhok at iwasan makapasok sa loob ng mata.
Tapos ay maglagay pa uli ng mascara. Tadaan! Makikita mo agad ang malaking kaibahan sa may powder at sa wala.
‘Pag gabi naman at oras ng pahinga, maglagay ng petroleum jelly o castor oil sa pilik-mata para mas humaba at kumapal ang mga ito.
- Latest