FYI

Maraming anthropologo ang nagsaliksik patungkol sa Tasaday. Ang tunay na Tasaday ay pinaniniwalaang ninuno ng mga magsasakang Manobo. Nahiwalay sila sa kabihasnan ngunit hindi nanatiling ignorante. Sila ay grupo ng mga mangangaso na nakatira sa mga barung-barong na gawa nila at hindi sa mga kuweba. Namamahinga lamang sila sa mga kweba tuwing naaabutan sila ng gabi sa pangangaso. Ang mga bakal ang kanilang kagamitan at hindi mga bato.  Gawa naman sa tela ang kanilang mga damit.  Kumukuha sila ng pagkain sa mga nabubuhay na halaman at prutas sa gubat. Ipinagpapalit nila ito sa mga pagkain sa sibilisadong bayan gaya ng bigas at halamang-dagat.

Show comments