Latvian talo ang mga Pinoy sa pagkahilig sa pagkanta
May tatalo pa pala sa mga Pilipino pagdating sa pagkahilig sa kantahan. Ang bansang Latvia kasi ay tinatawag na “the singing nation”.
Halos lahat kasi ng Latvian ay naranasang kumanta sa isang choir o ibang grupo sa tanang buhay nila. Kakatwa kung makakita ka ng Latvian na hindi naranasang maging parte ng choir o grupong kumakanta.
Nagkakaroon sila ng Song Festival na nagaganap kada-makailang taon kung saan nagtitipun-tipon ang mga choir, pati na rin folk at dance groups. Tinatayang libu-libong mang-aawit ang nagtitipun-tipon para sa nasabing okasyon.
Maituturing na national treasure ng Latvia ang kanilang folk songs. Ang Latvian folk song na “daina” ay isa sa mga kialalang parte ng kanilang kultura.
Mayroong tatlong mahahalagang elemento ang kanilang folk song. Ito ang tradisyon, literature, at simbolismo.
Ang daina ay isang uri ng oral art na siyang humubog sa national identity ng Latvia sa nakaraang dalawang dekada.
- Latest