Mas mahal si Kuya

Dear Vanezza,

Ako po si Nikka, 15 years old at si kuya ay 16 years old. Pero lagi na lang paborito ni mama si Kuya. Mas una siyang binibili ng gamit na branded samantalang ako ay sa Baclaran lang, at lagi na lang siyang pinapayagan sa mga lakad nito. Napapansin ko rin na parang nagseselos si Mama kapag binibigyan ako ni Papa ng regalo o alahas. Nag-aaway sila bakit daw ako ini-spoil ni Papa. Pero si kuya bawat request ay meron agad. Ano po ba ang gagawin ko?

Dear Nikka,

Huwag ka munang magtanim ng galit sa mama mo. Kausapin mo ang mama mo at sabihin ang mga nakikita mong ginagawa niya. Para mapaliwanagan ka. Maaa­ring may dahilan ang mama mo o baka hindi lang niya napapansin. Kung ‘di mo kayang gawin na kausapin ang mother mo ay sabihin muna ito sa Papa mo para sila ang mag-usap. Walang ‘di naayos kung ito ay mapag-uusapan ng malinaw sa harap nila. Puwede ring sabihin sa Kuya mo ang nararamdaman para maging aware ang lahat sa napapansin favoritism ng mama mo.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments